Una sa Balita

Kudeta sa Kamara kahiya-hiya – Lacson

By
Senador Ping Lacson
0 244

TINAWAG ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na awkward, hindi maganda at hindi kaaya-aya ang timing ng kudeta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na isinabay sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“If only for the timing and manner the coup d’etat in the House of Representatives was carried out, I would say it was awkward, ugly, low and disgraceful,” saad ni Lacson.

Tinukoy pa ni Lacson na maging ang tradisyunal na ‘symbolic mace’ ay nalito na kung kaninong awtoridad ang kanyang susundin sa pagitan ng mga naglalabang personalidad.

Kahit sino pa anya ang naging kapalit na House Speaker, ang nangyari anya na pagpapalit ng liderato ay malinaw na argumento laban sa parliamentary form of government.

Ipinaliwanag ni Lacson na sa naturang sistema ng gobyerno, politika ang sadyang namamayani para sa pagpili ng top leader.

Kasabay nito, nagbabala ang mambabatas na kung ang speakership ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang simula ng pagiging Prime Minister nito ay dapat pa itong pag-isipan nang dalawang beses dahil malinaw ang paninindigan ng mga senador na ipag­lalaban ang kanilang partisipasyon sa pagrebisa o pag-amyenda sa Konstitusyon.