Una sa Balita

Krusyal na laban sa LGBA ngayon

0 253

POSIBLENG mabago ang total standing sa mga krusyal na sultada ng “Luzon Gamecock Breeders Association Breeder of Year” stag circuit sa Pasay City Cockpit ngayon, Biyernes, Oct. 18.

May 50 qualifiers ang sasagupa sa 3-stag elims ng second leg (7-stag derby) hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Umakyat sa unahan si Jun Sevilla (JRS San Pioquinto 2) dahil sa tatlong panalo noong Lunes at may kabuuang 8 puntos ngayon kasama sina Ronald Barandino (Pasay 4 -Cock Jan.10 RB Basilan), Hector Magpantay (HGM) at Francis Gueverra (JJ Airbender Migs 2).

Kasali ngayon sina Larry Wacnang, Rick Tamboong at Toto Gregore (6.5 points bawat isa), Ricky Magtuto, Cito Alberto, Mapher Alvarez, Raymond Velayo, Anthony Lim, Boy Tanyag, Jay Gonzales, Buddy Bobrigado, Robert del Rosario, Albert Madlambayan, Tady Palma, Jong Daed at Engr. Val Vertes.

Sa Lunes, Oct. 21, ang 4-stag finals, ani LGBA president Nick Crisostomo.

Samantala kasado na sa Pasay Cockpit ang “Encuentro 6-Stag Derby Part 3” (144 sultada) sa Nov. 7.

Ang mga team: Sagupaan, King Slasher, Experto, Legends, Thor, Black Rooster, Mad Science at Kai Chon Hercules. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy