Una sa Balita

Krudo rollback bukas, gasolina tataas naman

0 260

BAHAGYANG bumawi ang mga kompanya ng langis sa presyuhan ng produktong petrolyo.

Ito ay bunsod ng ipatutupad na pagbawas sa presyo ng krudo at kerosene epektibo bukas, Martes, Hulyo 9, 2019.

Kasabay naman ng rollback ay ang dagdag-presyo naman sa gasolina sa nasabi ring araw.

Ayon sa Petro Gazz at Shell, P0.40 ang ipatutupad nilang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

Nasa P0.35 naman ang ipatutupad na bawas-presyo kada litro sa kerosene ng Shell.

Ayon sa ilang kompanya ng la­ngis nasa P0.25 naman ang itataas ng presyo ng kada litro ng gasoline.

Ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ay epektibo simula alas-sais nang umaga sa Hulyo 9.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy