Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Krudo, gasolina tapyas-presyo bubulaga

0 57

Bahagyang magbabawas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa Martes, May 17, ayons a Unioil Petroleum Philippines nitong Sabado.

Batay sa pagtaya, mababawasan ng P2.90 hanggang P3.00 ang presyo ng diesel, P0.40 hanggang P0.60 naman sagasolina at sa kerosene naman ay P2.10 hanggang P2.30 angibabawas.

Ang rollback ay kasunod nang pagpapatupad ng big-time hike ng mga oil companies, kung saan ay nagtaas ng P4.20 kada litro sa gasolina at P4.20 per liter sa diesel.

Ang magkakasunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo ay dahil pa rin sa nagaganap na hidwaan sa sa pagitan ng Russia at Ukraine. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.