Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Krudo, gasolina sa NCR sasampa ng P100 per litro

0 103

Asahang magpapatupad ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo ngayong araw ang mga kompanya ng langis.

Sa magkahiwalay na abiso ng Shell at Cleanfuel, P.50 ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang P1.65 ang kada litro ng diesel.

Habang ang Shell ay may dagdag na P.10 kada litro ng Kerosene.

Epektibo ang taas presyo ng Pilipinas Shell ganap na alas-6:00 ng umaga ng Martes, habang epektibo rin ang paggalaw sa presyo ng Cleanfuel alas-8:00 ng umaga.

Halos P100 na ang halaga ng petrolyo sa Metro Manila.

Batay sa monitoring ng Department of Energy, simula noong June 23, naglalaro sa P75.95 hanggang P98.90 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Naglalaro naman sa P81.55 hanggang P98 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P89.64 hanggang P99 ang kada litro ng kerosene.

Matatandaan na noong nakalipas na linggo ay sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, na posibleng umakyat sa P100 ang mga produktong petrolyo kapag nagpatuloy ang lingguhang pagtaas sa presyo nito. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.