Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kristoffer inamin relasyon kay Liezel

0 54

Inamin na ni Kristoffer Martin ang relasyon nito sa Kapuso actress na si Liezel Lopez.

Sa programang The Boobay and Tekla Show nagsalita ang Kapuso actor tungkol sa nabalitang pagkakaroon nila ng relasyon ni Liezel habang nasa lock-in taping sila ng teleseryeng Babawiin Ko Ang Lahat.

“Yes at yun ang ginagawa namin ngayon. Lumalaban kami parehas,” mabilis na sagot ng aktor sa tanong kung girlfriend ba niya si Liezel.

May netizens ang pumuna kay Kristoffer na parang masyadong defensive ang sagot nito sa tanong. Dahil daw kasi nag-deny pa ito noong una na naging dahilan kung bakit sila naghiwalay ng non-showbiz gf niya na si AC Banzon kung kanino meron siyang anak.

Kaya nabansagan ang aktor na isang cheater at two-timer mg netizens dahil karelasyon pa raw nito si AC noong maging sila ni Liezel.

“For me naman ano eh, lahat naman entitled sa kanya-kanyang opinion. So natapos ko naman na kung ano dapat tapusin and we are moving forward naman. Naayos na,” sabi niya.

Miss na raw ni Kristoffer ang anak nitong si Pre’. Hindi naw nito madalas makita ang anak simula noong maghiwalay sila ni AC.

“Hi Pre’! Lagi ko ‘tong sinasabi sa’yo. Daddy misses you everyday. Magulo lang ngayon at alam mo namang mahal na mahal kita. Kahit ganito man ang sitwasyon, always know na kasama mo pa rin ako sa paglaki mo. Hinding hindi kita pababayaan. Mahal na mahal ka ni daddy.” (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.