Una sa Balita

Krisis sa tubig solusyunan — Grace Poe

By
0 359

HINIMOK ni Senadora Grace Poe ang gobyerno na maging proactive sa pagtugon sa mga umiiral na problema at pagkukulang ng bansa pagdating sa water supply system.

Bilang isang agricultural country, sinabi ni Poe na dapat tinatamasa ng gobyerno ang Right to Water and Sanitation ng bawat indibiduwal partikular ang mga magsasakang naninirahan sa mga probinsyang pinagkaitan ng water supply gayong malaki ang naiaambag ng mga ito sa pagpapa­yabong ng sektor ng agrikultura.

Isa sa mga posibleng paraan upang manintini ang natural water supplies ay ang pagiging bukas ng bansa sa paggawa ng mga teknolohiya at imprastaktura na siyang tutulong para mapakinabangan ang tubig ulan sa pang-araw-araw na pangangailangan ng Pinoy.

“We can hit two birds with one stone—prevent flooding and somehow re-direct rainwater to arable agricultural lands or to treatment facilities, turning said water into home-friendly public uti­lity for all our households. There should really be a meaningful discourse, planning and funding towards these types of projects to improve our water systems,” ani Poe.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More