Una sa Balita

Krisis sa NAIA runway tapos na

By
0 195

BUMALIK na ang mga flight operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itong maparalisa sanhi ng bumarang eroplano ng isang Chinese airline company sa main runway ng paliparan.

Alas-12:00 nang tanghali kahapon nang buksan ang 06/24 runway ng NAIA matapos alisin ang temporary suspension na inutos ng Civil Aviation Authorit­y of the Philippines (CAAP).

Ayon sa Media Affairs Division ng NAIA, binigyan ng prayoridad ang mga pasaherong may flight schedule kahapon hanggang sa manumbalik sa normal operation ang paliparan.

Abante Hiring – IT dep

Sinuspende na rin ang naka-schedule na runway maintenance na ginagawa tuwing hatinggabi hanggang madaling-araw para mabigyan ng prayoridad ang mga na-delay na flight.

Punong-puno ang departure area ng apat na passenger terminal ng NAIA dahil sa pagdagsa ng pasaherong nais umalis partikular na ang mga overseas Filipino worker na nanggaling pa sa mga probinsiya at matiyagang naghintay sa loob ng paliparan.

Hinatak ang baldadong eroplano ng XiamenAir sa may Balagbag remote par­king area matapos itong maalis sa maputik na bahagi ng runway.

Inabot ng tanghali kahapon dahil nilinis pa ang mga kalat at hinintay na maalis ang heavy equipment na nag-alis sa eroplano.
Inaasahan na babalik sa normal operation ang NAIA sa loob pa ng dalawang araw.