Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Krisis sa edukasyon ibinabala

0 470

Bagamat ang pagsasagawa ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na wala o kakaunti ang kaso ng COVID-19 ay makatutulong sa mga suliranin ng distance learning, ang pagkansela nito ay maituturing na pag-iingat laban sa bagong uri ng COVID-19 na kumakalat sa buong mundo, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Ngunit nagbabala ang senador na posibleng maantala ang kaalaman ng mga mag-aaral at lumala ang krisis ng edukasyon sa bansa. Upang mapigilan ito, hinimok ni Gatchalian ang pamahalaan na gawin ang lahat ng mga posibleng hakbang upang makabawi ang mga mag-aaral sa panahong nakalaan sana para sa face-to-face classes.

Kasama sa mga hakbang na ito ang pagsasagawa ng mga remedial programs. Ayon sa senador, dapat suriin nang mabuti kung aling aspeto ng mga aralin ang kailangan tutukan at kung sinu-sinong mga mag-aaral ang dapat tutukan.

Ani Gatchalian, inaasahan na magtutuloy-tuloy ang paggamit sa iba’t ibang paraan ng pagtuturo tulad ng self-learning modules, radyo, at telebisyon upang suportahan ang mga guro at mag-aaral.

Leave A Reply

Your email address will not be published.