Una sa Balita

Kris todo suporta kay Bam Aquino

0 392

Buong-buo ang suporta ni Kris Aquino sa kandidatura ng pinsan niyang si Sen. Bam Aquino. Una ngang hakbang ni Kris ay nagpa-presscon siya para sa misis ni Sen. Bam na si Timi Aquino.

Bawal nga kay Kris ang mag-endorse ng kandidato, o magsabi na iboto ang mga kandidato. Bawal din siyang makita na nagtataas ng kamay ng mga kandidato.
Kaya naman sa presscon ay si Timi Aquino ang katabi ni Kris, at hindi si Sen. Bam.

Pero bago nga duma­ting si Kris sa presscon, ang misis muna ni Sen. Bam na si Timi ang nakausap ng media.

Ano nga ba talaga ang tulong na ibinibigay ni Kris sa kanila?

“Si Ate Kris madalas po talagang magparamdam sa akin sa Viber. Sa tanong about tulong, una sa lahat kahit hindi niya sinasabi, doon pa lang sa example niya, nakikita ko na nakukuha talaga sa sipag ang lahat.

“Kasi grabe talaga magtrabaho si Ate Kris. So kaming mag-asawa, kahit ano man ang pagod sa mga sorties, kahit ano ang pagod sa pag-strategize sa kampanya, parang with Ate Kris as our example, ‘yung fee­ling ko bawal matulog. Si Ate Kris hindi yata natutulog. Kasi parang 24/7 umiikot talaga ang utak niya, nag-iisip talaga.

“Number 2 sinasabi niya dapat positive talaga ang kuwento. Kasi ang hirap naman nu’ng puro bangayan, o away lang. Ang hirap na nga ng buhay ng mga Pilipino, mas gusto nila ng mga mas nakakatuwang kuwento, kung ano ba talagang magandang nagawa ng report card ni Sen. Bam.

“Sa support niya, definitely nandito siya bilang ate namin, bilang ninang ng anak naming si Coco. Pero feeling ko hindi kasi siya ‘yung tipo ng tao na just because relative tayo susuportahan ka niya.

“Parang feeling ko alam niya kung ano talaga ang nagawa ni Sen. Bam sa Senado. Kilala rin niya ako bilang professional kasi nagkatrabaho kami. At si­guro kahit papaano nakuha namin ang loob niya kaya ganito ang suporta niya sa amin.

“Kasi ako as a marketing professional, ang power talaga ng isang Kris Aquino is wala siyang kinatatakutan at hindi siya ‘yung sunud-sunuran. So lahat ng ini-endorse niya, whether brand man ‘yan o tao, sincere talaga siya.

“Ako nandito ngayon sa harap niyo kasi ibig sabihin meron talaga kaming trust and confidence ni Ate Kris.”

“Si Ate Kris sobrang supportive sa akin, at kay Bam all out din. Puro words of advice talaga ang naibibigay niya.

“The other day sob­ra akong kinilig kasi parang sinabi niya na ako ang favo­rite cousin-in-law niya. Sabi ko, ‘heto na, hindi lang ako asawa ni Sen. Bam, favorite cousin-in-law ako ni Ate Kris.’

“Hindi lang kasi si Kris ‘yung nagsasalita lang na wala, kasi kailangan may tiwala talaga siya,” kuwento ni Timi.

Anyway, bukod kay Kris ay marami pa raw artista ang la­lantad o magbibigay ng suporta sa kandidatura ni Sen. Bam.

“May mga naka-dinner na rin kami na mga celebrity endorsers. Siyempre ‘yung mga showbiz alam nila that timing is everything. Hindi ko na steal ang thunder na ‘yon sa kanila. Nasimulan na ni Bianca Gonzales. Marami pa po ang susunod na darating.” (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy