Una sa Balita

Kris tanga, baliw – Atty. Falcis

0 2,172

NAGLABAS ng ebidensiya sa ­social media ang magkapatid na Falcis upang supalpalin ang kasong qualified theft na isinampa ni Kris Aquino laban sa dati ­nitong business partner.

Sa Instagram post ni Atty. Jesus Falcis, tinawag pa nitong tanga at baliw si Kris dahil siya pa umano ang nag-swipe ng credit card, nagbitbit ng 17 staff sa Hong Kong pero ang kapatid niyang si Nicko ang kinasuhan ng qualified theft sa pitong korte sa Metro Manila.

Noong bumiyahe umano sila sa Hong Kong, si Kris pa umano ang nag-swipe ng credit card ng kompanya para sa pambili ng ticket at hotel accommodation. Higit sa kalahating milyon naman ang ginastos ng buong entourage na klarong bahagi ng gastos ng negosyo, pero isinama sa kasong qualified theft sa da­ting business partner nitong si Nicko.

“One clear example of your false charges: you included in your complaint credit card charges worth P550,000 for your Hong Kong trip, which you benefited from!” diin ni Falcis.

“Tang*n*, kung anu-ano gusto mo bayaran ng Kuya ko eh nag mu-mukha kang tanga tuloy sa business: klarong business expense para sa pagiging social media blogger mo ibibintang mo sa Kuya ko?! At tang*n* netong Kris Olivia Aquino (not the delusional Queen) at Alvin Gagui, hindi man lang dinedepensahan Kuya ko sa baliw! Ayan nag cha-chat kayong tatlo discussing the expenses and logistics needed for the Hong Kong trip,” banat pa ng abogado.

“At ikaw Kris Olivia mismo ang nag swipe ng credit card ni Kuya para i book yung mga tickets tapos wala kang sinasabi! Nakakahiya ka, wala kang prinsipyo,” dagdag pa ni Jesus.

Sa hiwalay na Instagram post naman ni Nicko, kinumpirma nito ang mga naging pahayag ng kanyang kapatid na abogado.
Aniya, umabot sa kalahating milyong piso ang ginastos nila sa Hong Kong dahil umaabot sa 17 katao ang kasama sa entourage ni Kris. Maging sa airfare at hotel accommodation, pumalo ito sa P1.2 milyon.

“P551,700.59 are all HONG­KONG Expenses to produce a series of her online webisodes (5Part Series of Sponsored Webisode for Cathay Pacific and Marco Polo Hotel and 2 Webisodes of her IFLIX Live Life with Kris).

These expenses that is almost half (50%) of her P1.2M combined charges are mostly Plane Tickets and Hotel Accommodations for her 17-man entourage. Kris and her entourage also ate in all the restaurants mentioned, particularly Cheesecake Factory and Delicious Kitchen — as seen in her webisodes. The rest are working meals for her entourage and production staff — complete with receipts, pictures and all forms of ‘resibo’. Everyone knew, especially her paid entourage,” pagsisiwalat pa sa post ni Nicko.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nanawagan si Nicko kay Kris na itigil na ang pambu-bully dahil marami pa siyang alas laban sa aktres.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy