Una sa Balita

Kris susundan ni Bistek sa abroad

By
0 9,711

Sa February 14 pa ang 47th birthday ni Kris Aquino, pero marami na ang nagpadala sa kanya ng cakes, flowers at kung ano-ano pang gifts. Kahapon kasi ay umalis na si Kris at ang mga anak niyang sina Josh at Bimby para sa kanyang 8 night birthday break at alam ‘yon ng mga nagmamahal sa kanya, kaya naman advance na ang padala sa kanya ng gifts.

Teka! Ano kaya ang gift ni Mayor Herbert Bautista kay Kris? Hindi kaya mawala si Bistek at sundan si Kris para magkasama sila sa February 14?

Marami ang naniniwalang may relasyon pa rin hanggang ngayon ang dalawa.