Una sa Balita

Kris, Sanya type maka-love team ni EA

By
0 821

abante-talbog-joe-barramedaKahit marami ang nag-aakalang may relasyon na sila ni Shaira Diaz, tuwing kinukumusta sila ay iisa ang sagot ni Edgar Allan Guzman.

“Okay naman, we’re friends.” May mga tsika na nagka­balikan sila pero ayaw lang nila umamin… “Ay hindi po, hindi po.”

Mabuti at na­panatiling maganda ang relasyon nila bilang magkaibigan?
“It’s mutual naman e, kumbaga nasa pag-uusap ninyo naman ‘yun, kung maayos kayong naghiwalay, kung wala namang third party or issue, well you can still be friends, ‘di ba?”

Sa tingin in Edgar Allan ay wala nang chance na magkabalikan sila. Sa trabaho sila naka-focus at may binubuong ka-love team si Shaira. Si David Licauco daw at may movie sila.

Kaya wish din ni Edgar na may ka love team siya. “Oo naman, oo naman, kumbaga gusto ko din maranasan ulit ‘yung mayroong kapareha.”

Pero mature actor na ang tu­ring sa kanya ng publiko. “Yeah, pero kaya pa naman siguro.”

Dalawang pangalan ng mga Kapuso actresses ang ibinigay ni EA na nais niyang maka-love team… “Sa GMA…si Kris Bernal, si Sanya Lopez, ‘yun, so ‘yung mga morena look, ‘yun ‘yung mga gusto kong kapareha.” Pareho niyang hindi pa nakakatrabaho sina Kris at Sanya.

Samantala, naitanong sa Kapuso actor kung ano na ba talaga ang screen name niya, Edgar Allan Guzman o EA Guzman na talaga?

“Actually, kahit ano e, para mas okay, pero wala pang definite decision sa GMA, actually gusto ko ngang pag-usapan ‘yan.”

Sa tingin ba niya ay hindi mako-confuse ang mga tao? “Well, ‘yun ‘yung naiisip ko, ‘yun ‘yung nakikita ko, pero ‘yun nga, kailangan kong kausapin sila, kung makapag-decide kung ano ba talaga ‘yung ilalabas sa akin na pangalan, EA ba or mag-i-stay kami sa Edgar Allan Guzman.” Pero kung siya ang tatanungin ay, “Mas okay siguro sa akin ‘yung Edgar Allan Guzman, kasi mas mahaba.”

Napapanood si Edgar Allan sa “Dragon Lady” ng GMA. “Ako po dito si Goldwin Chen, isang Chinese businessman, na makikigulo sa love story nila Tom Rodriguez and Janine Gutierrez.” Sa direksyon ni Paul Sta Ana, napapanood ito after “Eat Bulaga.”

Nora, Cherie, Jo nagpasiklaban sa pag-arte

Sa huling araw ng “Onanay” ay hataw pa rin sa galingan sa pag-arte sina Ms. Nora Aunor, Jo Berry, Mikee Quintos at Ms. Cherie Gil.

Dito lang namin napanood ang husay sa pag-arte ni Wendell Ramos huh. Sayang at wala na ang mentor niya na si Douglas Quijano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy