Una sa Balita

Kris pumatol sa trolls ‘ang kapal ng mukha mo na tawagin akong magnanakaw!’

By
0 12,499

Ika-47th birthday ni Kris Aquino ngayon, at nasa Amerika siya kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby. Bukod sa matinding jetlag na panira sa mga lakad nilang mag-iina, ang basher na si cess_line143 ang sumira talaga ng araw ni Kris.

Heto ang galit na galit na post ni Kris, na minsan pa ay nagpakita ng tapang sa mga taong walang kahihiyan na laitin, akusahan siya ng kung ano-ano.

“You messed w/ the wrong woman. Ang kapal ng mukha mo na tawagin akong magnanakaw when you are the one guilty of IDENTITY THEFT. Whichever both account this is, or whichever group is funding this troll account you should have at least had the intelligence to not use a picture of a famous blogger @hapatime, Jessica Ricks.

“Then when I called you out you suddenly changed your twitter handle & IG pic. The problem is you can attack me w/ absolutely no evidence about stealing when in actuality you are the MAGNANAKAW.

“Please – wag mo akong itulad sa’yo o kung sino man ang nagfu-fund ng operations ninyo. How many times do I need to REPEAT – I have no political plans for 2019 – so your demolition job is way too early.

“Strategic planning please? I am not my Mom & I am not Noy – in other words I am not like them who will choose dignified silence & humility. HINDI AKO MABAIT especially pag nananahimik akong nagtatrabaho & nagsusumikap na maging mabuting ina, pero binabalahura pa rin ang pagkatao ko.

“While we still have democracy – I shall defend what I worked hard to achieve & I will never again allow myself to be stepped on & trashed by people who don’t even have the courage to create a true social media account. #TRUTH #AUTHENTICITY,” sabi ni Kris.