Una sa Balita

Kris, Piolo, Anne prayer warrior ang peg

0 236

Iba’t ibang post, paalala ng mga artista tungkol sa pagputok ng bulkang Taal ang mababasa mo sa social media. Pero karamihan sa kanila ay humingi ng dasal, nakikiusap sa Diyos na huwag na sanang lumala pa ang sitwasyon, at maligtas ang mga Pinoy sa posibleng kapahamakan.

May mga nakikiusap din na itigil ang pagpapakalat ng iba’t ibang ‘meme’ tungkol dito, dahil hindi nga nakakatulong.

“Stop posting jokes and memes about Taal. It’s not funny. Not at all!” sabi ni Jed Madela.

Si Maine Mendoza naman ay nag-post ng mga emergency hotlines. Na dapat ngang tawagan sa gitna ng problema. Sa ganitong pagkakataon, malaking bagay ang mag-post ng mga tamang numero, o mga ahensiya na puwedeng hingian ng tulong ng mga kababayan natin.

Si Erwan Heussaff naman ay nasa Manila, habang nasa Australia si Anne Curtis. Nag-aalala si Anne para sa mister niya.

“Stay safe out there. For those of us heading to work, make sure to cover your nose/mouth and your eyes. Better cautious than sorry,” sabi ni Erwan sa photo niya sa IG na kitang-kita nga ang mga maliliit na bato, o buhangin sa salamin ng kanyang bintana.

“Very good. Listen to me ha. Wear your mask,” utos ni Anne kay Erwan na nauna na ring nag-post ng dasal.

Heto naman ang post ni Kris Aquino:

“Let’s continue praying for all the living in the vicinity of Taal- residents in Batangas, Cavite, and Laguna; the LGUs in those areas- from the governors & vice governors, members of Congress, mayors, board members, councilors, barangay officials, and all working for LGUs; for the government’s first responders, rescue workers, brave members of the AFP & PNP, and all working for the DSWD and DOH; all who will suffer from displacement & loss of livelihood; all our countrymen facing bad health in the coming weeks because ash fall can cause serious harm to the respiratory system, skin, and vision; and for the Holy Spirit’s strength & guidance for all our doctors, nurses, health center, and hospital workers.

“Psalm 91:NLT 14 The LORD says, ‘I will rescue those who love Me. I will protect those who trust in my Name. 15 When they call on Me, I will answer; I will be with them in trouble. I will rescue and honor them. 16 I will reward them with a long life and give them my salvation.’ #prayersforthephilippines #prayersforallfilipinos.”

Heto naman ang dasal, hiling ni Piolo Pascual sa photo niya na nakasakay sa yate habang nakatanaw sa pumuputok na bulkan; “My birthday wish right now is for everyone to be safe…”

“Stay safe everyone…. praying for everyone’s safety most especially to the people of taal…” dasal ni Judy Ann Santos.

Ganu’n din ang dasal nina Coco Martin, Dingdong Dantes, Jinkee Pacquiao, Jane de Leon, John Prats at Isabel Oli, Jessa Zaragoza.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More