Una sa Balita

Kris, Noynoy maghaharap sa Sunday

By
0 1,456
 
 

Tuwang-tuwa ang mga fan ni Kris Aquino sa mga pino-post niya ngayon sa Instagram, lalo na ‘yung mga care bears na nilabhan, at ipamimigay sa mga mahal niya sa buhay, at mga fan niya.
 
May nangu­musta nga sa sitwasyon ni Kris, na ang name ay @mrs.bonigacio. At heto nga ang sagot ni Kris:
 
“@mrs.bonifacio in bed, resting… will rest until Sunday… I really want to join our whole family for Sunday reunion but for me to do that, total bed rest Friday & Saturday. (Yes, with all my siblings because I know Kuya Josh has been pra­ying for this.).”
 
Kung lahat ay darating pati na si former President Noynoy Aquino, ito nga ang unang pagkakataon this year na magkakaharap sila ni Kris. Matagal-tagal na rin silang hindi nag-uusap o nagkikita nang mata sa mata.
 
Kaya ang request ng mga fan, mag-post ng mara­ming photo si Kris sa pagkikita, reunion nilang magkakapatid, lalo na raw kapag kasama na niya si PNoy.
 
Happy si Kris ngayon dahil may mga pipirmahan na naman siyang kontrata. At siyempre, hindi pa rin siya binitiwan ng Ariel, sa kabila ng mga rebelasyon na ginawa niya kamakailan.