Una sa Balita

Kris, Nicko harapan sa piskal

0 607

KAPWA ipinatawag ng Quezon City at San Juan prosecutor’s office sina Kris Aquino at dating business partner na si Nicardo ‘Nicko’ Falcis kaugnay ng reklamong 44 counts ng qualified theft na isinampa ng una laban sa huli sa pitong siyudad ng Metro Manila.

Itinakda ang paghahanap sa Marso 21, 2019 sa Office of the City Prosecutor, Justice Cecilia Muñoz Palma sa Quezon City.

Inaasahan na kapwa magsusumite ng counter affidavit ang magkabilang panig. Hindi umano tatanggap ng motion to dismiss ang piskalya sa nasabing araw.

Ang subpoena ay nilagdaan ni Asst. City Prosecutor Charisma Reyda Manauis.

Samantala, itinakda naman sa Marso 20, 2019 sa San Juan ang preliminary investigation para sa katulad na kasong qualified theft laban kay Falcis.

Nauna dito, kapwa dinismiss ng Makati at Pasig Prosecutors Office ang 44 counts na qualified theft dahil sa kakulangan ng sufficient evidence.

Nabanggit sa resolusyon na hindi raw napatunayan ni Kris na ninakawan siya ni Nicko ng P1.270 milyon gamit ang credit card na pag-aari ng Kris Aquino Production KCAP.

Matatandaang isinampa ni Kris ang 44 counts of qualified theft sa pitong siyudad sa Metro Manila kabilang na ang Makati City, QC, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Taguig at Maynila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy