Una sa Balita

Kris nahulog sa hagdan

By
0 2,326

Nahulog si Kris Aquino sa hagdan ng bahay niya bago pumunta sa voting precinct para bumoto sa SK at Barangay elections nu’ng Lunes. May coverage siya ng ginawang pagboto at siyempre, nagkagulo ang mga tao sa kanya.

Napansin ng isa niyang follower @sarabee23 na paghulog niya ng balota ay parang may itim sa braso niya.

“Flawless, Ms Kris (@krisaquino) napansin ko po paghulog niyo ng papel, pasa po ba yung sa right nyo o shadow lang yun? Ang puti nyo kasi…grabe.”

Tugon ni Kris sa follower niya, “I fell sa stairs ng house on the way to the precint.(Sic) Unfortunately #lampa.”
Siyempre, nabulabog ang election officers sa pagdating ni Kris. Kanya-kanya sila ng selfie sa Queen of All Media, huh!

Nanermon ang netizen na si @markjontan na nainis sa ginawa ng tao sa presinto na natigil ang trabaho dahil dumating si Kris. Sinang-ayunan naman ito ni @itshersheyonlinejourney na bawal magpa-picture sa voting station.

Dedma lang si Kris sa komentong ito ng netizens. Basta feeling niya nu’ng bumoto nabigyan niya ng love, love ang mga tao roon.

Kapansin-pansin lang na sa katatapos na eleksyon, tila dedma ang maraming celebrities sa duty nilang bumoto. Bukod kay Kris, tinupad din ni Alden Richards ang pagboto nu’ng Lunes dahil ipinakita pa niya sa TV ang daliri niyang may tinta, huh!

Anyway, sa nasulat namin dito tungkol sa celebrities na tumakbo sa nakaraang eleksyon, nanalo bilang SK Chairman sa isang barangay sa Caloocan si That’s My Bae Miggy Tolentino. Wala pa namang post ang komedyanang si Boobsie Wonderland sa social media account niya kung ano ang na­ging kapalaran niya sa pagtakbo ng chairwo­man sa isang barangay sa Norzagaray, Bulacan.

Sa panig naman ni Angelika dela Cruz na sa Longos, Malabon tumakbo bilang chairwoman, waley siyang post kung panalo o natalo siya. Sa huli niyang post, nakatikim din siya ng paninira sa mga kabarangay niya, huh!

Sharon kulang sa pagmamahal ng mga kadugo

Hindi nakalimot ang loveteam nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa nanay-nanayan nilang si Sharon Cuneta na padalhan ng sweet messages ang megastar sa katatapos na Mother’s Day.

“I have loved many co-actors like my own kids, but the two by far, I have to say are the ones who own my heart. I miss you mga anaks, I love you so much and will always be here for each of you for anything.

“Thank you so much for loving me. Sometime, I feel more loved and appreciated by those who aren’t even related to me than those who are blood. Thank God that got to meet and know you two because you’ve given me nothing but love and happiness. Treasure each other. In the end, nothing else matters. God bless you. I really miss you,” caption ni Shawie.