Una sa Balita

Kris nagsalita sa sitwasyon nila ni Noynoy

0 865

Marami ang na-touch sa pinost ni Kris Aquino na birthday letter ng mga ‘ate’ niya sa kanya. Sa naturang Instagram post, naikuwento ni Kris ang samahan nilang magkaka­patid, na sabi nga niya, mara­ming pagsubok, may mga hindi pagkakaunawaan, pero sa bandang huli, nananalaytay pa rin ang pagmamahalan sa kanila.

Sabi nga ni Kris, nai-imagine niya ngayon na nakangiti ang nanay niyang si Tita Cory Aquino sa langit, dahil sa magandang samahan nilang magkakapatid na babae.

At may nagtanong nga, paano naman ang kuya ni Kris, si former President Noynoy Aquino? At siyempre, sinagot ito ni Kris.

“@jag_aimee I had promised honesty — we aren’t ‘there’ & it’s still a long journey needing mutual inclination and effort to communicate, understand, and rebuild. It is very different with SISTERS… Maybe rather than scrutinizing on what separates us— let’s focus on the love we do share for kuya josh? Regardless of the nearly 2 years of NO communication – he & kuya remain constant text mates and my 2 sons see their tito noy regularly. HINDI nadamay ang mga inosente… Not that this should really be a situation people should judge, nevertheless i answered factually & lengthily because i don’t want to leave room for misinterpretation. #peace.”

So, klaro na, ha! Wala nang masyadong tanong. Hayaan na lang na magkaayos ang magka­patid, at huwag nang intrigahin, o kulitin o usisain pa nang husto. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More