Una sa Balita

Kris naglabas ng pangil sa nang-insulto kay Josh

0 494

Pagdating sa mga anak, makikipagpatayan talaga si Kris Aquino. Hinding-hindi siya papayag na insultuhin, laitin ang kanyang mga anak.

At ‘yun nga ang ginawa niya nu’ng tinawag na ‘autistics’ ni @omarchacha126 ang mga anak niya.

Heto nga ang agad-agad na sagot ni Kris:
“@omarchacha126 I am replying in an educated way. Why my sons? Especially Kuya Josh? Will you also shoot a gun because you want to experiment then tell the world after you have shot an innocent person SORRY, now I know what it’s like to be a killer?

“You aren’t a fan. You are a despicable co­ward. And I have every right to call you out because you threw the first uncalled for insult.

“It is a person like you that inspires me to consider seeking elective office to fight for those without a voice, like special children, parents who cannot afford proper healthcare, and marginalized single parents.

“I am posting this separately because the arrogant fool may erase his original comment out of cowardice. NEVER po ako nagsimula ng away pero KILALA nyo na ako, WAG ang mga magulang ko at WAG ang mga anak ko ang bababuyin kung ayaw lumabas ang pangil ko. Simple lang, diba. Lahat naman kayo alam ko pareho ang saloobin. Kung namatay na ang magulang wag bastusin ang alaala nila. At lahat ng mga magulang kapag anak ang hinamak, LALABAN.”
Humamig ng suporta at komento ang mensaheng ‘yon ni Kris. At inulan talaga ng resbak ang taong nanlait sa mga anak ni Tetay, lalo na sa pagkabait-bait at inosenteng si Josh. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy