Una sa Balita

Kris nagi-enjoy sa pandesal, sili, kalamansi sa Puerto Galera

0 567

Simpleng buhay nga ang nararanasan ni Kris Aquino ngayon sa Puerto Galera, kasama ang dalawang anak. Pero, kahit malayo sa nakasanayan na niyang buhay, tila mas nagi-enjoy siya ngayon.

“Marami akong na-appreciate sa buhay probinsiya – like ang sarap ng pandesal na binibili sa umaga. Malambot & fluffy.

“Puwede kang pumitas ng calamansi & sili sa garden.

“Super refreshing maligo (3x a day) na nag-ipon ng medyo malamig na tubig sa orocan na drum tapos gamit `yung pink na tabo na mga pinabili ko…

“Sarap na sarap ako sa Lily’s Crunchy peanut butter.

“Sina Kuya & Bimb on the days na may nakakapunta ng Calapan & nauwian sila ng chicken joy sobrang thrilled sila.

“Ang sarap pala ng liempo na pinakuluan sa Royal with garlic, paminta, and sea salt tapos iniihaw.

“Very refreshing ang Vita Coco (natural way to replenish electrolytes).

“Ang saba masarap pag papuntang over ripe na tapos dun gagawing banana-que pero ako konti lang yung sugar.”

Ganiyan nga raw ang takbo ng buhay ni Tetay ngayon, na maligaya sa mga maliliit na bagay, na noon ay hindi niya masyadong napapansin dahil sa sobrang busy niya. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More