Una sa Balita

Kris naghahanda na sa balik TV

0 933

Pinaghahandaan na ni Kris Aquino ang inaasahang hectic schedule sa mga susunod na mga araw, sa mga project na gagawin niya. Sa posting niya sa Instagram ng mga photo ng dalawa niyang anak na nasa loob ng eroplano, sinabi niyang deserve nina Bimby at Joshua ang na-experience na bakasyon kahit nagkaroon siya ng health issues habang nasa abroad sila.

Susundin na umano ni Kris ang advice ng kanyang mga doktor para makaya niya ang work calendar na inihahanda para sa kanya ng management team niyang Cornerstone at ng personal assistant-manager niyang si Alvin.

Isa lang itong indikasyon na magiging abala ulit si Kris sa career niya.

Hindi nga lang sinabi ng Social Media Empress kung pelikula ba ito o TV project. Pero marami ang naghihinala na isa itong TV show.

Anyway, ang sigurado ay ang mga endorsement project nito na gagawin.

Michael duguan ang kamay sa taping

Nag-alala ang mga kaibigan, fan, kamag-anak ni Michael de Mesa dahil sa ipinost niyang larawan na nagpapakita na sugatan at duguan ang kanyang kamay.

Base sa Instagram post nito, malalim ang sugat sa kamay ni Michael kaya ito nagdugo nang husto. Hindi nilinaw ni Michael kung totoo o part ng eksena sa teleserye ang kanyang mga sugat kaya panay ang kulit ng mga tao sa kanya.

Nilagyan lang ng veteran actor ng caption ang photo na “action star”.

Sinusulat ang item na ito ay wala pang update sa IG post ni Michael. Wala ring post ang kanyang misis na si Julie Eigenmann tungkol dito.

Kaya ipinapalagay ng ibang follower niya na prosthetic o effects lang ito sa kinunan na action scene ng aktor.

Megan, Mikael engaged na

Engaged na ba sina Megan Young at si Mikael Daez? Nag-post si Megan sa Instagram niya ng ilang larawan nila ni Mikael na nagpapakita ng sweetness nila.

Magkayakap ang dalawa na parang may naganap na ngang engagement proposal.

Sa mga unang linya ng mensahe ni Megan, dini-describe niya ang kakaibang lambingan nila at laging may mga moment na nagtutuksuhan at pinagtitripan nila ang isa’t isa.

Sey pa ni Megan, “Sweet moments happen in the most unexpected ways for us, and that makes us appreciate each other more.”

Sabi pa nito, nai-enjoy nila ang pambu-bully sa isa’t isa, na isang dahilan kung bakit nananatiling matatag ang kanilang samahan.

Walang malinaw na detalye sa posting ng beauty queen-actress kung engaged na ito o hindi pa. Pero hindi nakalantad ang kaliwang kamay at daliri ni Megan na siyang pinaglalagyan ng engagement ring, kaya ipinapalagay ng ibang follower nito na nag-propose na sa kanya si Mikael.

Gustong isipin ng kanilang mga follower na hindi lang muna gustong ibahagi ng dalawa ang magandang balita sa kanilang pagmamahalan.

Well, malalaman natin ang totoo sa mga susunod nilang post.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy