Una sa Balita

Kris nag-react sa paratang na binantaan niya si Nicko

0 1,296

abante-paistaran-dondon-serminoPingangalanan na nga ni Kris Aquino ang dati niyang kasosyo na kinasuhan niya, si Nicko Falcis. Binanggit na nga ni Kris ang pangalan ni Nicko, at sa Mandaluyong Hall of Justice nga kahapon ay sinabi ni Kris na kaya ayaw niyang pa­ngalanan si Nicko nu’ng una ay dahil alam niya kung ano ang mangyayari.

“Because I know kung ilan ang followers ko at hindi ko ito ginusto na gawin ito na sirain ang buhay mo. Kasi ganun `yon, kung may fans ka blindly, whether tama ka or mali ka, ikaw ang sasang-ayunan.

“Kaya lang when you’re pushed against the wall, at `yung buong kredibilidad mo ang inaatake mo, `yun na lang ang pinanghahawakan mo, yun ang kinabubuhay ko sa mga anak ko.

“I want this fixed… you know why? My sister said kung maayos mo yan, baka mas mabilis kang gumaling,” sabi ni Kris.

Tinanong nga ni Nelson Canlas ng GMA 7 si Kris kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi umano ni Atty. Falcis (kapatid ni Nicko) na binantaan niya si Nicko.

“Sino nagsabi?” tanong ni Kris.

Si Atty. Falcis.

“Oh, sana si Nicko ang nagsalita,” sagot ni Kris sabay lakad palayo, dahil niyaya na siya ni Bimby at ng abogado niyang si Atty. Fortun.

 

Heart nagtuturo sa mga out of school youth

Abot-tenga ang ngiti ng mga supporter ni Heart Evangelista dahil bigla ngang bumongga at lumakas ang benta ng French fashion accessories na Gas Bijoux na ini-endorse ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Kuwento ng kaibigan ni Heart, sobrang naging in demand sa mga Pinoy abroad ang naturang brand, kaya super benta ito sa online shopping. At nu’ng hu­ling punta nga ni Heart sa Paris ay may pa-welcome sa kanya ang owner nito sa kanilang banner store sa France.

Makikita nga sa website nito ang mga magagandang item nila, at maraming celebrity nga ang may favorite sa brand ng fashion accessories.

Una ngang in-endorse ni Heart ang leather goods na Sequia na paboritong handbag ng karamihan. At may isa pa raw sikat na leather company ang gusto sanang kunin si Heart pero may similar brand na kasi itong ini-endorse na base sa Italy na soon daw ay lalabas na ang mga campaign material.

Anway, aside from endorsing high-end brands sa Paris, lalabas na rin ang mga bagong endorsement na local made garments ni Heart at isa na rito ang Kamiseta na kung saan siya mismo ang nag-design.

“A full collection of the clothing line I designed with @kamisetaph featuring my art will be released very soon. Stay tuned!” sabi ni Heart sa kanyang IG account.

Si Heart din ang napi­ling mukha ng Caritas Manila ngayon at sumasama siyang mag-ikot  sa mga depressed area with Father Anton para magturo sa ilang out of school youth.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy