Una sa Balita

Kris nag-enjoy sa kaseksihan ni Erich

By
0 39

Lumarga na nang tuluyan si Erich Gonzales sa paglalantad ng seksing katawan. Hindi na limitado sa beach ang pagpapaseks­i niya dahil madi-display na rin ‘yon sa mga dingding ng tindahan, comfort room dahil sa paggpayag niyang maging calendar girl ng Tanduay.

Aprubado naman kay Kris Aquino ang pagiging mapangahas ni Erich bilang calendar girl. Pinost niya ang sexy pic ng ex-girlfriend ni Daniel Matsunaga bilang paghang­a dahil na rin sa pagturing sa kanya bilang ate.

“Her physical fitness just amazes me. BUT above everything else Erich epitomizes a quote I read & believe in – Life said “Yes beautiful girl will make you happy, but first let me make you strong… “To Kuya Josh & Bimby’s super beloved Tita Erich (their favorite ‘guardian’ when mama has out of country work).

“CONGRATULATIONS! We celebrate victory w/ you,” bahagi ng caption ni Kris sa foto ni Erich sa Instagram niya.

“Thank you Ate Kris! I love you very much. Always here for you, Kuya and Bimb @krisaquino ,” reply naman ni Erich.

Jean Garcia ayaw nang magpaalipin sa trabaho

Nakalimutan na ni Jean Garcia na nagsama sila ni Carmina Villaroel sa 2006 GMA fantaserye na Majika. Ipinaalala lang sa kanya­ ni Mina­ ‘yon ngayong magkasama nila sa coming­ Kapuso series na Kambal, Karibal na mapapanood next week.

Kontrabida siya sa series pero ang kakaiba ay wala siyang poise.

“Walang breeding. Letse nang letse! Pinagsabihan nga ako ni Direk Don (Michae­l Perez) na masyadong sosyal ang pagsasabi ko ng letse kaya binago ko! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Jean.

Bukod sa pag-arte, may negosyo rin si Jean. Pero sa ngayon, hindi na siya ‘yung kayod to death para lang kumita.

“Simple lang ang buhay namin. Hindi naman kami naghahangad na kumita nang sobra-sobra. Kung ano lang ‘yung blessings, ‘yun ang ini-enjoy namin. Pero yung more than that, hindi na. Pero ‘pag mabi-bless pa, why not?” rason ng aktres.