Una sa Balita

Kris muntik malunod, makuryente sa pool

0 387

Panahon na nga ng bagyo at madalas na rin ang pag-ulan kaya palaging bumabaha sa ilang lugar sa Pilipinas.

Pero tila hindi pa rin tapos ang summer para kay Kris Aquino dahil makikita nga na nag-swimming pa ito sa kanilang pool.

‘Yun nga lang, muntik na yatang atakihin sa puso ang ate ni Kris nang malamang muntik naman itong makuryente at malunod habang nasa pool dulot ng matinding pagkidlat at pagkulog.

Ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram ang kuwento sa likod ng pangyayaring muntik na siyang malunod dahil sa malakas na kidlat.

“Yes in our shallowest area I was in danger of drowning. So Bimb said until my balance & resistance improve we were better off in the whirlpool.

Then he called kuya to help him hoist me to our smaller pool w/ seating,” kuwento ni Kris sa kanyang caption.

Kaya naman nagbigay ng awareness ang aktres sa publiko sa pamamagitan ng pagpapakita ng usapan nila ng kanyang ate na pinayuhan itong huwag na siyang mag-swimming kapag may kidlat.

Nag-alala ang mga fan pero mas natuwa sa pagiging caring ng dalawang anak nito na sina Bimb at Josh. Mas maraming fan ang nag-react sa pagiging protective ng dalawa sa kanilang ina.

Inilarawan pa ng mga fan na ang anak raw talaga ni Kris ay ang kanyang tunay na kayamanan, hindi ang mga materyal na mayroon siya. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy