Una sa Balita

Kris move on na sa Mocha issue: Mamimigay na lang ng mga bag

By
0 1,709

Time out muna si Kris Aquino sa giyera nila sa social media ni Assistant Communications Secretary Mocha Uson. Sa latest post niya sa Instagram, nagpasalamat siya sa kanyang supporters sa laban niya kay Mocha.

May pakontes si Kris sa kanyang supporters at ang mapipili ay bibigyan niya ng bag na Louis Vuitton at Saint Laurent ang brand. Naka-post sa IG caption niya kung ano ang mechanics ng paandar niyang ito.

Pinost din niya ang fitting niya ng apat na damit na may iba’t ibang kulay. Pero ang agaw pansin sa caption ni Kris ay ang pagtulong niya buwan-buwan sa ilang simbahan na hindi niya pinangalanan.

Sinusunod daw niya kasi ang verses sa Proverbs 3:9-10. “Honor the Lord w/ your wealth, w/ the first fruits of all your crops; then your barns will be filled to overflowing…”

Feeling namin, pang-asar kay Asec Mocha ang post na ito ni Kris. Imagine, sa height ng labanan nila eh nagagawa pa niyang pasalamatan ang supporters at naniniwala sa kanya, huh! Aba, walang ganitong gesture si Asec Uson, huh!

Then, pasimple niyang ipinagmalaki ang buwanang tulong niya sa ilang simbahan. Kaya naman ‘overflowing’ ang blessings na dumarating sa kanya! At knows niyang i-share ito sa supporters niya at sa charity works niya, huh!

Julia, Joshua binawalang sumawsaw sa Kris vs. Mocha?

amantala, ang latest­ Kapuso artist na sumuporta kay Kris ay si Bea Binene. Pina­dalhan siya ng flowers ni Bea with matching card na ikina-touch ni Kris lalo na’t isa o dalawang beses lang silang nagkita nang personal.

Komento naman ni Bea sa isang IG post ni Kris, “No need to say thank you, Ms. Kris! Thank you also po! And the message on the card? I mean it. God bless you po!!! Hugs & kisses @krisaquino.”

Abangers naman ang followers ni Kris sa flowers na ipadadala sa kanya ni Mayor Herbert Bautista, and yes, ang suporta nina Julia Barretto at Joshua Garcia na kasama niya sa comeback film ng Social Media Queen.

Pinagbawalan kaya sina Julia at Joshua na sumawsaw sa laban ni Kris kay Mocha?