Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kris, Mel magsasama hanggang pagtanda

0 1,456

Sa pamamagitan ng kantang ‘Remember Me This Way’ na version ni Jed madela, pinaramdam ni Kris Aquino kung gaano kalaki ang utang na loob niya sa mga tao, kumpaniya na patuloy na nagtitiwala sa kanya.

Pinasalamatan, in-appreciate rin niya ang mga tao sa paligid niya na nagbibigay ng pagmamahal sa kanya sa loob ng mahabang panahon.

“A week ago, I taped this with people I consider #special because they have been with me through just about everything imaginable whether through the years or just through these uncertain pandemic times- @alvingagui (16 years and counting), @jonathanbvelasco (20 years and counting), the birthday celebrant/celebrator @rbchanco (10 years and counting), my security team, my driver Jun (who even got into a bad car accident while rushing to get my medicine), my 2 nurses @pbiancadr & @narsgeraldfiel,” sabi ni Kris.

Pero ang mga kasunod na linya nga ang mas nagpakilig sa mga tagahanga ni Kris, na bagamat hindi naman binanggit ang pangalan, obyus naman na ang boyfriend niya ngayon na si Mel Senen Sarmiento ang tinutukoy.

“…and the one who gives me reason to try to be better each day because he continues to give me hope that there is a tomorrow and I’m not going to be alone…” sabi ni Kris.

Oh, di ba? ‘Yung mga linyang ‘I’m not going to be alone’ nga ang nagpatibay na hanggang sa pagtanda ay magsasama sila ni Mr. Sarmiento. At `yun din naman talaga ang hiling ng mga tagahanga ni Kris.

“…for having them in my life I am eternally grateful (@attygideon stayed to be with Bimb and kuya Josh is safely in Tarlac).

Tetay napagkamalang Korean star

Siyanga pala, ang daming pumuri sa itsura ni Kris sa event na `yon, na kahit mapayat, at halatang hindi pa nanunumbalik sa dati niyang sitwasyon, ang ganda-ganda pa rin at napagkamalan nga siyang Korean star, lalo na sa unang tingin, ha!

Bagay na bagay nga raw si Kris na gumanap o lumabas sa mga K-drama, dahil sa itsura niya, na binagayan pa ng ayos ng buhok niya, at mga damit na inirampa sa naturang event.

Pinasalamatan nga niya ang mga personalidad na nagtulong-tulong para ma-achieve ang ‘looks’ niyang `yon, na mala-Korean star nga.

 “Thank you @francislibiran8 and @jcbuendia_. This was my last commitment for @shopee_ph… and I wanted it to be me memorable and you both managed to create what was more beautiful than I could ever have envisioned.

“To my @shopee_ph family, it’s been an unforgettable, magical, once in a lifetime experience to have been your brand ambassador… marami na ‘kong na-endorse, and to all of them I mean no offense, each and every one of you built me, shaped me, and provided a secure life for my sons and me- kaya hinding hindi ako makakalimot tumanaw ng utang na loob.

“Pero tumatak talaga ang Shopee sa puso ko because against all odds, nung kaming dalawa lang- we achieved 11/11/2020… and you brought me figuratively & literally back to life. That’s why all I can say now to everyone I had the privilege of working closely with, even the one based in Singapore because of travel restrictions i only got to know through Zoom- #salamatshopee. “i’ll miss you like crazy,” sabi ni Kris.

Leave A Reply

Your email address will not be published.