Una sa Balita

Kris may banta sa mga kakampi ni James Yap

By
0 1,648

Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang isang basher na wala nga naman sa lugar ang komento nito tungkol sa post niya sa similarity ni Bimby sa yumao niyang ama na si Ninoy Aquino.

Tinuligsa ng netizen si Kris kung saan ay sinabi nito na ang kamukha ni Bimby ay ang kanyang ama na si James Yap at hindi ang lolo nito. Komento pa nito na pati raw ba ang karapatan ng mukha nito na kamukha ng ama ay ipinagkait pa niya.

Reacting sa komentong’ yun, sinabi nga ni Kris na dapat ay piliin nito ang okasyon na magkokomento ito dahil death anniversary nga ito ng kanyang ama.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa kanya, nasa defense side siya na kahit kumikita siya ng ilang milyong piso, pero ang respeto ni Bimby sa kanyang ama ay magiging ganun na lamang kung ito ay nagpa­kita man lang ng effort at nagbigay kahit man lang piso para sa kapakanan ng kanilang anak.

Naikumpara pa nga niya ito sa ama ni Joshua na si Philip Salvador na sobra pa ang pasasalamat sa kanya at ang pamilya nito dahil sa pag-aalaga niya sa kanilang anak.

Binalaan din niya ang iba pang bashers na hindi niya uurungan ang mga ito dahil nanahimik na sila ay patuloy pa rin silang ginugulo ng mga ito.

Korekek!