Una sa Balita

Kris mas type si Atty. Gideon ka-date kesa kay Herbert

By
0 3,440

Kahit handa ring suportahan ni QC Ma­yor Herbert Bautista ang pelikulang ‘I Love You, Hater’ kung siya ay maiimbitahang manood nito, pero diretsahan namang inamin ni Tetay na mas gugustuhin niyang makasama sa pano­nood nito ang kanyang bagong kaibigan na si Atty. Gideon Peña na mukhang lumalalim na ang pagiging magkaibigan matapos ang kanyang paghaharapa sa online show nito na ‘Unscripted Kris.’

Sa kabila ng pagbabagong ito sa prio­rities ng dating tinaguriang Queen of All Media, masaya pa rin si Mayor Bistek sa magandang nangyayari sa career ni Kris na ayon nga sa kanya ay nakabalik na mula sa dati nitong sitwasyon sa showbiz.

Si Kris naman ay tila nadadala na rin sa pagiging concern sa kanya ng lawyer, kaya hindi nito maiwasang magpasalamat sa ipakita nitong consistency sa kanya and wanting to stay come what may. Bongga, devah?

Although diretsahan naman niyang inaamin na hindi nanliligaw sa kanya, at pure friendship pa ang nangyayari sa kanila, pero marami sa mga netizen ang naniniwala na sa malalim at seryosong relasyon pa rin daw ang magiging katapusan nito.

Kaya nga, hindi maiwasan ni Kris na mag-post ng message of gratitude sa kanyang new-found friend kahit nasa Bangkok, Thailand ito for a commercial shoot, upang ibalik dito ang kabutihang-loob na ipinapakita nito sa kanya.

Kinikilig-kilig din kaya si Tetay sa bagong development na ito sa kanyang personal life?

Well, she deserves happiness naman, noh!