Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kris mamimigay ng laptop sa mga estudyante

0 1,405

Tuloy-tuloy ang pangako ni Kris Aquino na tutulong siya para sa ‘kinabukasan’. At heto nga siya ngayon at mamimigay ng gadget, laptop para sa mga estudyante.

“Lahat ng magulang ang hangarin mapagtapos sa pag-aaral, maging maganda ang kinabukasan, at maging masaya ang mga anak nila. Yesterday, i could really feel the LOVE & GUIDANCE of my parents.

“From my Father’s Day post: COME WHAT MAY, ano man ang PAGSUBOK, GAGAWIN ko ang makakaya ko para tumulong sa kapwa para MAKABANGON tayong muli… i have read your requests kaya pinag-isipan ko at nagawan ng paraan,” sabi ni Kris.

SM food to go Banner Ad

Kaya naman mamimigay siya ng 8 na 2 in 1 laptop. Na sa June 29 raw ay m atatanggap na niya.

“Homeschooling ngayon, i want to invest in the FUTURE of the Philippines. Para ito sa kinabukasan ng ating mga anak- helping their EDUCATION.
“Please FOLLOW me and LIKE this post both on IG & on FB. Kwentuhan nyo ko tungkol sa mga anak ninyo… My @cornerstone family will help me choose sino ang 8 families ang makaka-receive ng 2 in 1 laptop.

“I’ll go live on July 1 to announce the winners and sana makausap ko kayo. #ParaSaKinabukasan🇵🇭,” saad pa ni Kris.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.