Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kris madalas sermunan ni Bimby

0 907

Isa-isa na ngang nagbabalikan ang mga endorsement ni Kris Aquino. At isa na nga riyan ang sabon na noon pa man ay ini-endorse naniya.

Ipinakita nga ni Kris ang commercial nila ni Bimby na ginawa halos isang dekada na, at ang bagong commercial nila ngayon na naturang sabon.

“Laking Safeguard ako, at ang sons ko. When we were locked down in Puerto Galera for more than 2 months, super mas na-appreciate namin. “All my life, I’ve only endorsed products we really use. Maliit pa si Bimb when we did our TVCs, almost 10 years ago nag-start; ngayon ako na yung sobrang liit next to him,” sabi ni Kris.

Pero sabi ni tessieiwamoto; “Kahit mas malaki na sa iyo c Bimbi he will always look up to you Kris.”

At sagot ni Kris; “@tessieiwamoto madalas na kong na sermonan.”

Well, nadagdagan na nga ang timbang ni Kris, at mukhang ready na talaga siyang magbalik sa telebisyon. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.