Una sa Balita

Kris L., gustong gawing ‘Amerikana’ ang anak kay Katrina!

By
Kris L. at Katrina
0 5

Umaasa si Kris Lawrence sa mas mahabang oras na bonding nila ng kanyang anak kay Katrina Halili na si Katie. Bagama’t, nabibisita ng tatlo hanggang apat na araw ni Kris ang anak, kasama na rito ang pagpasyal nito sa bata sa mga malls, ninanais pa rin ng R&B singer na makasama buong gabi si Katie.

Kung noon daw na magkasama pa sila ni Katrina sa iisang bahay, kahit late na siyang umuuwi galing sa trabaho, nagagawa niyang makasama ang anak sa mas mahabang oras.

Nililinaw ni Kris na walang problema sa kanilang dalawa ni Katrina. Maayos naman niyang nahihiram ang anak nila, pero gusto lang naman daw ng ­singer na makasama nang mas matagal ang baby nila.

Tuluy-tuloy pa rin naman daw ang suporta ni Kris sa kanyang anak mula sa kanyang mga rakets at projects. Kahit walang regular show ang recording artist, may mga kinikita naman siya sa kanyang mga rakets.

Hangga’t maaari ayaw ni Kris na magkaroon sila ng problema ni Katrina para hindi maapektuhan ang kanilang anak. Kaya naman, kung meron­ silang dapat pag-usapan,­ idinadaan nila ito sa ­diplomasya.

Nakatsikahan namin si Kris sa nakaraang Star Awards for Music, kung saan nanalo siya bilang R&B Artist of the Year.

Dahil dual-citizen­ship ang status ni Kris (Pinoy at American), pinag-iisapan daw niyang­ i-apply ang anak nila para maging American citizen ito. Para mas madaling makakapunta ng Amerika si Katie.

Walang ideya si Kris kung papayag si ­Katrina sa plano niya, pero­ nu’ng buntis pa lang daw si ­Katrina, umayaw­ na itong manatili sa States at doon manganak.