Una sa Balita

Kris kinilig sa pabulaklak ni Boy

By
0 983

Sa gitna ng tsika na tila lumamlam na ang friendship sa pagitan nina Kris Aquino at Boy Abunda ay ang pasasalamat naman ng una sa mga yellow flower na kanyang tinanggap mula sa TV host na ipinadala sa kanyang bahay.

Ito ay bilang pagbati sa kanya ng kanyang 48th birthday at pa-Valentine’s Day na rin na kahit hindi niya personal na natanggap ay pinost naman niya ito sa kanyang IG at nangakong may video siyang ilalabas tungkol dito.

Nasa Japan ngayon ang mag-iina para doon sila mag-celebrate ng kanyang espesyal na araw pero hindi maipagkakaila na ang bouquet of flowers mula kay Boy ang nagpasaya sa kanya.

Kahit inamin ni Krissy na hindi na sila active participants sa kanilang buhay, pero nananatili ang true and genuine friendship nilang dalawa.

Matagal ang kanilang pinagsamahan na maaaring dumaan sa test of friendship for reasons na wala kaming alam, pero obvious naman sa mga pahayag ng dalawa na they still care for each other.

Ayon nga sa birthday message ni Boy, “Dear Krissy, Happy birthday! Be healthy! Be happy! Love, Boy.”

Sa post naman niya, ipinaramdam din niya kay Boy kung gaano kahalaga ang effort na ginawa nito para i-greet siya on her birthday.

Ayon pa nga sa kanya, ang totoong pagmamahal at pagkakaibigan nga ay naaalala ang mga magagandang alaala na pinagsamahan at naglalagay ng espasyo sa mga pagkululang. Naman!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy