Una sa Balita

Kris kating-kati maka-face off ang ex-manager

By
0 434

HINAMON ng Queeen of All Media na si Kris Aquino ang magkapatid na sina Nicko at Atty. Jesus Falcis na harapin siya kaugnay kasong grave threat na isinampa ng magkapatid laban sa kanya.

No show kahapon sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang Falcis brothers sa paghahain ng counter affidavit ni Kris Aquino para sagutin ang kasong grave threat na isinampa sa kanya ng una.

Full force naman ang kampo ni Kris, (Kristina Bernadette Cojuangco Aquino sa tunay nabuhay) 44-anyos, na kasama ang kanyang dalawang anak na sina Bimby at Josh, ate na si Pinky at ang kanyang abogado.

Sa panayam, sinabi ni Kris na inaasahan niya na magkikita sila ng Falcis brothers subalit hindi ito natuloy sa hindi malamang dahilan.

“I was so looking forward to finally seeing them. Dahil ang tapang-tapang sa social media pero anong araw na ba ngayon?” tila patutsada pa ng aktres.

Ayon sa inilabas na statement ng Divina Law, hindi pinagbantaan ni Aquino ang kanyang business manager na si Falcis. Ang sinasabing audio recording ni Kris ay hindi naipasa sa piskalya. Nakasaad din sa statement na screenshot lamang ng written article ang kaugnay ng nasabing recorded audio.

“Ito lang ang sasabihin ko ha, kung talagang natakot doon sa mga pinagsasabi ko, September 27 nangyari iyon, naghintay hanggang January of 2019 bago ako kasuhan and that was the time na lahat ng mga extensions na ginawa nila para mapahaba yung kaso at para hindi sila humarap sa husgado, ginawa nila sa akin. Eh ako, right away! ‘Di ba” Nu’ng pinadala na ‘to, naghanda na kami agad. May counter affidavit kami kasi I’m telling the truth, and the truth, I believe is on my side,” sabi ni Kris.

Samantala, talo si Kris makaraang ibasura ng Makati Prosecutor’s Office ang kasong ‘qualified theft’ na isinampa niya laban kay Nicko.

Sa 4-pahinang desisyon na ibinaba nitong Pebrero 18, at pirmado ni Assistant City Prosecutor Paolo C. Barcelona, na inaprubahan ni Senior Depu­ty City Prosecutor Emmanuel D. Medina, sinasabing hindi napatunayan ni Kris na ninakawan siya ni Nicko ng P1.270 milyon sa pamamagitan ng paggamit ng company credit card.

Bilang reaksyon, sinabi ni Lawyer Regi Ponferrada na sumasang-ayon ang kampo ni Falcis sa naging desisyon ng Makati Prosecutors Office. “We want to reiterate what we have been saying for past months, that is, Nicko Falcis is innocent of the charges against him and that he did not steal or commit any crime whatsoever.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy