Una sa Balita

Kris inuulan ng grasya kahit walang TV show

By
0 4,627

Sunod-sunod ang biyaya kay Kris Aquino. Katunayan, kapipirma lang niya ng kontrata bilang endorser ng Ever Bilena.

At kasunod na ginawa niya ay namakyaw ng lipstick at pinamudmod sa masuwerteng fans na nakita niya sa naturang mall.

At kahapon ay pumirma na naman siya ng panibagong kontrata para sa bago na naman niyang endorsement.

Ang bongga lang na mahigit 40 na ang endorsements ni Kris, kesehodang hindi na siya nakikita sa telebisyon masyado, o wala siyang daily TV shows.

Pero, sa tuwing nanonood ka nga ng TV, mapa-ABS-CBN man ‘yan, o GMA 7, ang mukha pa rin ni Kris ang madalas mong makikita, dahil wala yatang minuto na hindi pinalalabas sa TV ang commercials niya.

Kaya naman si Kris, sa halip na makipagtalakan sa mga taong hindi na nagma-matter, mas bet niyang magpasalamat na lang sa Diyos.

“Today is another milestone, I had a bucket list for all the top conglomerates I wished to endorse or be a representative of (product) today is another (check). Thank You God. Have a lovely Monday IG family. #positivitywins,” sey ni Kris.