Una sa Balita

Kris inalok ulit ng kasal ni Bistek

By
0 2,510

Kalokah, nagtagpo sina QC Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino sa kasal!
‘Yun nga lang, imbes na sila ang ikasal, dahil naudlot nga ito sabi ni Tetay, ang yaya ni Bimby na si Yaya Raquel ang rumampa at sumumpa nang walang hanggang pag-ibig sa kanyang dyowang si Jun Aries Confesor.

Si Yaya Raquel ay ang kapatid ng longtime yaya ni Bimby na si Yaya Gerbel na umalis na rin sa kanyang poder dahil nag-asawa na rin ito.

Anyway, kapansin-pansin na binibiro-biro ni Mayor si Kris na parang inaalok niya ulit ito ng kasal, na nginingitian lang ni Kris.

“Kris do you take me, here present, as your lawfully wedded husband?” pabirong chicka pa ni Mayor kay Kris.

Hindi nakadalo si Tetay sa reception ng kasal dahil may taping pa si Kris nu’ng araw na ‘yun pero present naman si Bimby na lungkot-lungkutan dahil daw lagi na lang siyang iniiwanan ng kanyang yaya para sa ibang tao.

Hay naku, hijo, ‘pag umibig ka na, maiintindihan mo rin kung bakit, noh!

Anyway, panala­ngin nga raw ng mag-ina na sana ay huwag munang ma-inlababu ang yaya pa nilang si Bincai para huwag muna itong umalis sa kanila. ‘Yun na!