Una sa Balita

Kris ibebenta, ido-donate ang mga bag, sapatos, alahas

0 1,323

Super kaaliw ang naging kuwentuhan ng Abantelliling kay Kris Aquino last Saturday. At nu’ng naiere nga ito sa Abante Facebook page last Tuesday, maraming subscriber, follower ng Abante ang naaliw.

Sabi nila, masarap pa rin talagang kausap si Kris. Masarap panoorin kapag ini-interview, dahil ang dami nga raw natutunan ng mga manonood.

At siyempre, sobrang lakas pa rin ng humor ni Kris, na sa mga simpleng hirit nito, matatawa ka talaga, at magugulat ka rin dahil bongga at maituturing na balita talaga agad.

Bago matapos ang tsikahan namin ni Rey Pumaloy kay Kris, tinanong namin siya kung ano ang reaksiyon ng mga anak niyang sina Josh at Bimby, kapag sinasabi niya na gusto niya na umabot pa siya ng pitong taon, na gusto niyang makita ang bunso niya sa ika-18th birthday nito.

Para sa mga bata, lalo na kay Bimb, masyadong malungkot ito, na ang nanay nila ay parang nagpapaalam na agad sa kanila. Na ang katuwiran nga ni Kris, hinahanda lang niya ang sarili niya, dahil alam naman niya na may sakit siya, at patuloy siya sa pakikipaglaban dito.

“Pinag-uusapan namin ‘yon. Sinasabi ni Bimb sa akin, na ‘you’re gonna live long’ na magiging sadistic mother-in-law pa raw ako. Hahahaha!
“Oh, kaya niyo ‘yon? Hahahahaha!

“Pero sabi ko, ‘no, I’m not gonna bully your girlfriend or your wife, it’s her mother whose life I’m gonna make miserable. ‘Yun ang pagkasabi ko. Hahahahaha!” sambit ni Kris.

Sabi nga ni Rey, para palang si Kris ‘yung isang role sa Crazy Rich Asians, ha! ‘Yung nanay ng bidang lalaki na ayaw sa mapapangasawang babae ng anak niya.

“Yeah! Nu’ng pinanood namin ‘yon, ‘yung sa stairs, sabi ni Bimb, ‘Momma, it’s you!’ Sabi ko, ‘No Bimb’!” kuwento ni Kris, sabay sabi na kung siya ‘yon, baka nai­tulak niya sa hagdanan ang kaharap niya, na sinabayan niya ng paghalakhak.

Pero, sabi nga ulit namin ni Rey, masuwerte ang mapapangsawa ni Bimb dahil magmamana ng mga mamahalin niyang bag, sapatos, at mga alahas, ha!

“No, sabi ni Bimb, ‘No mama, sell it and donate. You can donate everything!” pahayag pa ni Kris.

So, ano ang masasabi niyo?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy