Una sa Balita

Kris humingi ng tawad kay Manay Lolit

0 764

abante-i-know-better-jun-nardoNaglitanya si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram dahil sa pagkakadawit niya sa away nina Kris Aquino at ng Falcis brothers (Nicko at Atty. Jesus Falcis). Nakarating kasi sa kanya ang kuwento na idedemanda siya, huh!

Sa bahagi ng IG post ni Manay, “I will not explain anything or apologize, or say sorry, for I know I did not do wrong. If my health will fail because of my dep­ression and sadness, rest assured, Falcis family, I will not blame you.”

Sa komento ni Kris sa post ni Manay, “You have my wholehearted apology that they have chosen to target you which is utterly WEIRD…

“I have never taken the issue with any entertainment portals, websites, news programs, bloggers or repor­ters because this is a public issue…

“I haven’t reacted to people expressing their views. The fight isn’t with them.

“Pasensiya ka na Nay Lolit. Dine­dedma ko sila kasi dahil 100% ang CONFIDENCE ko kay Atty. Fortun & UST Dean of Law Atty. Nilo Divina. God bless you – I know mahabang-mahaba ang buhay mo…”

Sa tagal na sa industry ni Kris, marami na siyang naipundar na friendship sa entertainment press kaya kampihan man siya nila eh dahil na rin ‘yon sa kabutihan at sinseridad niya sa laban niya ngayon, huh!

Isa riyan si Manay Lolit na isa rin sa malapit kay Kris na naging manager niya noon at kasama sa talk show na “Star Talk” huh.

Maine feeling super model sa Amerika

New Yorker ang drama ni Maine Mendoza sa recent foto niya sa Insta­gram. Nasa Big Apple siya ngayon para sa isang project kaugnay ng global brand ng cosmetics na naglabas ng kanyang lipstick shade last year.

Umawra si Meng na ala-super model sa foto niya sa harap ng The Metropolitan Museum of Art, New York with matching witty caption na, “The Met: minsan pinapasyalan, madalas sinusuot.”

Sa mga hindi naka-get, ang  gusto niyang ilabas sa sinabing madalas sinusuot ay damit (The Met), huh!

Abangers na lang tayo kung ano-ano ang mga eksenang gagawin ni Meng habang nasa New York City!