Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kris humiling ng 18 buhay para sa kanila ni Bimby

0 293

Very visible si Kris Aquino nitong Miyekules (Sept. 9), dahil paandar na 9.9 ng isang online shopping app. Ang daming natuwa na muli nga siyang nakita sa TV screen.

Pero bago `yon, super naaliw rin ang mga fan nang makita si Kris na kasama si Bimby sa Instagram story na pinu-promote naman nila ang Colgate, na kung saan ay bago nga raw nilang ‘pamilya’.

Aliw yung parang tinuturuan ni Kris si Bimby kung paano ang tamang pag–toothbrush. Siya nga raw kasi, mali ang style, dahil dinidiinan talaga niya. Pinakita rin ang bagong produkto na mouthwash na ginagamit nila.

At naisingit ni Kris, maganda nga raw `yon para sa pagki-kiss. Pero, winarningan agad niya si  Bimby na hindi `yon para sa bata, o para kay Bimby.

“Yeah, not me, not me,” sabi ni Bimby.

Anyway, masaya ang mga fan, pero lungkot din sila dahil si Kris nga ay mapayat pa rin ang mukha.

“Sabi nila a cat has 9 lives-wishing for Bimb and me that we have 18? He has asthma, and i have been open about my autoimmune issues. Since August, 2020 we’ve had a total of 8 direct exposures sa staff living with us – some na very close contact- who all tested positive for Covid-19. “Swerte si kuya Josh our Tarlac resident, 6 of the 8 instances he was in Alto.

“Ang hirap paniwalaan na just this August, 4 of them – 2 in mid August, isa pa 5 days after, at may humabol after 2 weeks- kahit vaccinated nagkaroon… maingat kami, everyone is aware that i have comorbidities pero iba talaga ang panahon ngayon. Complete kaming lahat sa vitamins and supplements, name it: air filter/purifier, sanitizer, disinfectant, anti-bacterial products – we have and we use.

“Super kulit ako about hygiene, sa pagligo, sa paglinis ng lahat ng surfaces – stress reliever ko to wash our mugs, glasses, plates, and utensils… I’m especially focused on taking extra care of my skin and siempre my voice, throat, and teeth – aware kaming “puhunan” ko and “kabuhayan” naming,” sabi ni Kris.

“Honest lang, hindi mo pwedeng iasa sa iba ang kalusugan mo at ng pamilya mo. Right now the odds are against us, so i’m doing everything i can to fortify myself and everyone with us. So i choose what’s best and eager to share these @colgateph products with you.

“Make the switch to Colgate Total now! #madeforgreatness.” (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.