Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kris humagulgol kina Bimby, Miles

0 166

Ang bongga lang talaga ni Kris Aquino, na kahit si Bimby ang may birthday, hayun nga at sangkatutak (28) na tao nga ang pinaligaya niya, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng datung na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa.

At sobrang saya, na-touch nga si Kris, dahil naalala ng Adidas si Bimby na regaluhan ng sapatos.

“Awesome shoes,” sabi ni Bimby sa regalo sa kanya.

“Na-touch ako, kasi they wanted you to feel better,” saad pa ni Kris.

“Now dapat samahan mo akong maglakad every night, `yun ang sabi ng doctor,” hirit ni Kris kay Bimby.

Anyway, bago nga natapos ang Facebook, Instagram live ni Kris, hindi naiwasan na tumulo talaga ang luha niya. At `yon ay dahil kay Miles Ocampo.

“My love, may darling, Ate Miles…” tawag ni Bimby.

“We love you…” sabi ni Kris kay Miles na medyo patuloy na ang luha.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Meron kaming ginawa na interview-han, I try to edit, siya ang nagpaganda. And we owe her. We gonna miss her,” sabi ni Kris, sabay yakap kay Miles na `yun nga, tumutulo na ang luha.

“Thank you for everything,” sabi naman ni Miles kina Kris at Bimby.

“Ayoko maiyak. Pero kasi, in-effort niya yon. She knew it was important to you,” sabi ni Kris kay Bimby.

“She always knows how to say thank you.

“Whatever love we’ve given her, and whatever effort we give, she has given us twice as much,” sabi pa ni Kris na panay ang punas ng mga luha.

“I love you,” sabi naman ni Bimby, sabay karga kay Miles.

“She knows that she’s part of the family…” mensahe pa ni Kris kay Miles.

Well, may dapat ngang ipagpasalamat si Miles kay Kris, pero hindi `yon nababanggit, bagkus ay parang si Kris pa ang may dapat ipagpasalamat kay Miles, at dahil `yon sa pagmamahal na binibigay nito sa kanila. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.