Una sa Balita

Kris hindi type maging ‘Pambansang Epal’

By
0 492

Ayaw ni Kris Aquino na mabansagang EPAL kaya nanahimik na lamang siya at hindi dumalo sa mga Philippine screenings ng Crazy Rich Asians pati na ang Manila premiere nito noon.

Ayon sa kanya, pinili rin niyang hindi ­i-drumbeat ang nasabing pelikula dahil sapat na sa kanya ang magagandang feedbacks na nanggagaling sa ibang tao na nakapanood nito lalo sa eksena na kung saan siya ay lumabas bilang si Princess Intan.

Hindi rin niya nagustuhan ang pag-post ng isang fastfood chain kung saan ay siya ay may hawak na chopsticks.

Ayon sa kanya, alam niyang maganda ang intensiyon ng admins ng social media ng nasabing fastfood chain lalo na nga’t kinu-congratulate siya nito, pero pinakiusapan niya ang admins nito na i-delete ang nasabing photo.

Sinabi nga niya na kaya nga raw siya hindi muna nagpaka-active sa social media habang palabas ang nasabing pelikula upang maiwasan niya ang unnecessary stress and trolling.

Bukod pa riyan, sinabihan din niya ang mga ito na hindi naman sila nagsi-serve ng crab o alimango, so, ‘wag na nilang i-promote ang mga produktong hindi naman bahagi ng kanilang sini-serve o menu.

Mas ginusto na lamang ni Kris ang mag-post ng mga litrato ng ilang behind-the-scenes sa nasabing pelikula.
‘Yun na!