Una sa Balita

Kris hindi takot mamatay

0 382

abante-paistaran-dondon-serminoMatapos tumalak ni Kris Aquino sa mga dating kakampi ng kanyang kuya na si former President Noynoy Aquino, bigla siyang kumambiyo ulit, dahil na rin sa hiling ng isang taong malapit sa puso niya.

Heto ang Instagram post ni Kris:

“I archived my other post not because I don’t stand by everything I said, but because marespeto akong pinakiusapan ni @kiko.pangilinan ng ‘ceasefire.’ Please know this about me, when I have seen a person is GENUINE, madali akong kausap, kaya kong magbigay.

“Bunso akong nasaktan dahil sa nabasa ko: ina­pakan ang pagkatao ng kapatid ko, na nanati­ling tapat sa taong paniwala syang totoong kaibigan nya. Nung nilaglag sya ng ganun ganun lang- puma­lag ako. Pero mag-react man ako, mabubura ba nun yung sugat sa puso ni Noy na alam kong sa pagkatao nya- never tayong makakabalita ng kahit anong sama ng loob? Baka mas lalo pa syang masaktan dahil alam nyang ka­ming mga kapatid nya nadurog ang puso para sa kanya. umiikot naman ang mundo.

“I accompanied this post w/ a few selfies from a couple of nights ago because I was checking on my neck & eyes because of my health issues. Walang filter, walang ina­yos, yung swollen lymph nodes in my neck, yung face na lubog na sinusubukang itago sa inyo- nilabas na lang. Kasi ayokong mabuhay na niloloko kayo at ang sarili ko. Yun ang kaya kong panghawakan- NEVER KONG binlame sa iba ang mga pagkadapa at pagkatalo ko.”

Anyway, dahil sa tatlong photo na pinost ni Kris, na kitang-kita ang kapayatan niya, may mga nag-comment ng kung ano-ano. Ang iba, obyus na galit na galit kay Kris, at may idea na nga ang kampo ni Kris sa kung saan galing ‘yon, at kung sino-sino sila.

Sabi ni @shss109: “Rest in Peace. Mukha kang bangkay pagamot mo yan utak mo sa mental hospital ng di kna nag-iingay kakasuka ka lakas ng tagas ng utak mo.”
At sagot ni Kris; “Artecaria ba, lupus queen, or mukhang bangkay? Yan ang problema – pag puro pagsisinungaling – super hard to stick to one story. FYI. Death isn’t scary pag malinis ang conscience mo,” sagot ni Kris.

Well, binanggit nga ni Kris ang mga pangalan ng dalawang tao na alam naman ng lahat na kalaban niya ngayon.

Dagsa rin ang mga supporter ni Kris na nakiusap na huwag na lang niyang patulan ang mga taong iniinis lang siya. Mas marami nga raw silang nagmamahal sa kanya.
@divine.mercado: “Miss kris,laban lang nandito ako para sayo.God is always there basta ang taong may takot sa Dyos dinidinig nya lahat yan. keep safe po.”

@analakwasera: “@krisAquino, masmarami ang nag lalove sayo kaya mag pagaling ka mona miss Kris, huwag mo mona sila pansinin kasi ng iinis lang ang mga yan para lalo kang magkasakit ang mahalaga ay ang kalusugan mo para sa mga anak mo maam kris, ingat po palagi love na love ka namin ng mga anak ko kasi alam nila na love kita super.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy