Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kris hindi puwedeng tumira sa Tarlac

0 234

Sinagot na nga ni Kris Aquino ang mga tanong ng fan, kung bakit hindi niya na lang samahan si Joshua sa Tarlac, at bakit sa ibang probinsiya pa sila titira ni Bimby?

Anyway, tanggap na nga ni Kris ang kagustuhan ni Josh na sa Tarlac na tumira, sa halip na sumama sa kanila sa ibang probinsiya na malapit sa dagat.

At heto nga ang rason kung bakit hindi puwedeng samahan si Josh sa Tarlac, o kung bakit hindi sila puwedeng tumira sa Tarlac.

“My problem is because of my autoimmune I need the sea breeze… Walang dagat sa Tarlac… my very close friend @mylynpc namroblema rin kasi wala rin namang beach sa Pampanga…

SM food to go Banner Ad

“Tumingin kami sa Bataan- umatras ako kasi ang mahal na dun sa development na gusto ko… humanap na rin in Pangasinan… obviously comfortable ako sa byaheng NLEX-SCTEX-TPLEX… nag-consider sa Puerto Galera kasi napakabait ni Mayor Rocky & everyone we got to know, pero sorry kung weird- we need very strong WiFi because may scheduled FB postings to fulfill contract obligations & I’ll do a few shoots that will be very big files (mahaba na ‘to- care bears na kayo).

“Anyway, in 2 weeks we’ll go and hopefully the 10 weeks (or so) of fresh sea air will strengthen my immunity and lessen my chronic urticaria.”

Oh, malinaw na, na ang sea breeze ang kailangan ni Kris, para gumaling sa kanyang mga sakit, base sa payo na rin ng kanyang mga doktor. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.