Una sa Balita

Kris, hindi kami titigil kontrahin ang kasinungalingan mo! – Atty. Falcis

By
0 872

Agad na nag-post sa Instagram ang magkapatid na Nicko at Jesus Falcis tungkol sa kasong isinampa ni Kris Aquino. Sabi nga ay ibinasura na raw ang kasong qualified theft na isinampa ni Kris sa kanila sa Taguig.

May direkta pang mensahe si Atty. Falcis kay Kris:

“Dear @krisaquino, how the hell can the credit card charges in Taguig be unauthorized personal expenses of my brother when ALL of the charges you are complaining about were spent to FEED YOUR KCAP EMPLOYEES, inclu­ding your nephew Jiggy Aquino-Cruz, who is the son of your beloved Ate Ballsy Aquino-Cruz? Akala mo ikaw lang nocturnal? Kami din! Hindi kami mapapagod kontrahin mga kasinungalingan mo. #Artecaria!”

Kasunod ng caption ay naka-post din ang group photo nila kung saan ipinunto nga niya, naka box-out pa sa dilaw na font at malinaw ring ibinandera na kasama nila ang pamangkin na ni Kris na si Jiggy.

Ibinahagi rin ni Nicko sa kanyang Instagram ang recap o update umano kung saang lungsod na sila nadi-dismiss at ang halaga ng kasong ipinatong sa kanila. Heto ang pinost ni Falcis:

Makati – P409,794.34 (DISMISSED)

Pasig – P129,680.00 (DISMISSED)

Taguig – P62, 784.32 (DISMISSED)

San Juan – P4,624.60 (PENDING)

Mandaluyong – P136,900.30 (PEN­DING)

Manila – P49,584.00 (PENDING)

Quezon City - 22,667.50 (PENDING)

Todo suporta naman si Gretchen Barretto sa balitang naibasura na sa lungsod ng Taguig ang kasong qualified theft nina Falcis at ni-repost niya sa kaniyang Instagram story ang mga post ng magkapatid kaugnay ng pagkaka-dismiss ng kanilang mga kaso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy