Una sa Balita

Kris, Herbert ‘Kasal’ date super tamis, puno ng kilig

By
0 2,797

Super love ni Kris Aquino si Bea Alonzo. Bukod kina Kim Chiu at Erich Gonzales na sinusuportahan talaga ni Kris ang lahat ng mga pelikula ng mga ito, si Bea nga ang masuwerte na suportado rin ni Kris.

At last Thursday night, hindi nagdalawang-isip si Kris na panoorin ang pelikulang Kasal ni Bea, kasama sina Derek Ramsay at Paulo Avelino.

“After seeing the trailer of Kasal, I texted @beaalonzo & promised her regardless of how busy, I’d make time to watch. Bonding namin ng girls of KCAP plus @jacksalvador, @alvingagui, @jonathanvelasco__ & DOP Shayne Sarte after our shoots for @unilab ang manuod tonight.

“Okay, to start Bincai & I finished all our Kleenex. Bravo to my friend @krizgazmen for a heart wrenching story but the direction of @rekdibayani was just SUPERB! I felt so immersed in the beauty of Cebu. @ramsayderek07 was cunning, it’s depth of ta­lent to be so convincing an a**hole on screen. @pauavelino- he made me FALL IN LOVE w/ his portrayal of Philip- he was so real & wounded, I just wanted to embrace him.

“I am a 100% BELIEVER in his immense GIFT to fully embody the complexities w/in all of us… BEA as Lia was pure in her honesty conve­ying true pain. It was raw & i cried w/ her because of the authenticity of seeing someone who was betrayed deeply to her very core…

“EVERYONE was perfectly cast. I was warned to not give away too much- so I’ll end this w/ what made an impact on me from KASAL’s story- Love is ACCEPTANCE, it is surrendering your romantic ideals for what is REAL- because after all finding LOVE is not the culmination- it is the beginning of a day to day process of encouraging, romancing, laughing, fighting, supporting, forgiving, understanding, and living… @moirarachelle you are a poet! Naka-repeat mode ngayon ang TAGPUAN. Bravo Team KASAL! It’s a must watch!” ang bonggang post ni Kris tungkol sa movie na ito ni Bea.

Pero teka lang naman, sino ba talaga ang kasama ni Kris sa panonood ng Kasal? Heto nga, biglang naglabasan ang mga photo ni Kris na ang sabi nga, ang kasama niyang nanood ng Kasal ay si Mayor Herbert Bautista.

Sa mga naglabasang photo, feel na feel mo ang matatamis na ngiti sa mga mukha nina Bistek at Krissy.

At teka lang ulit, bakit palaging sa ‘kasal’ sila nagtatagpo? Nung ikinasal ang ‘yaya’ ni Bimby noon, si Bistek ang nagkasal.

At sa pelikulang ‘Kasal’ ngayon, sila na naman ang magka-date.

Sa pangatlong pagkikita kaya nila, sila na ang ikakasal?

Kira, Yves wasak ang mukha sa MMK

Bibida sina Kira Balinger at Yves Flores bilang magkasintahang sinubok ng isang aksidente ngayong gabi (Mayo 19) sa MMK. Magkaiba man ng prayoridad sa buhay ay pinaglapit pa rin ng tadhana sina Grace (Kira) at Vhinez (Yves) nang na-discover sila ng isang lalaking nagpasok sa kanila sa mundo ng pagmomodelo.

Sa ilang buwan nila na pagsasama, unti-unting nahulog si Vhinez sa dalaga hanggang sa isang araw ay nagtapat na ito ng kanyang tunay na nararamdaman. Noong una ay hindi ito sinuklian ni Grace ngunit dahil sa pagpupursige ng binata ay binigay rin nito ang kanyang matamis na oo.

Tatlong buwan pa lang sila na ganap na magkasintahan nang isang dagok ang dumating sa buhay nila. Naaksidente ang kanilang sinasakyan na nagdulot ng pagkasira ng kanilang mga mukha.

Paano kaya nalampasan ng dalawa ang pagsubok na ito sa kanilang karera at relasyon?

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda C. dela Cerna.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy