Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kris handa nang tumira sa probinsya

0 811

Posibleng manirahan si Kris Aquino sa labas ng Metro Manila, base sa kanyang Instagram post na may larawan ng kanyang panganay na si Joshua, na bumisita sa Cory Aquino Center, sa Tarlac.

Ikinuwento ni Kris na madalas isama ng yumao niyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino, si Joshua, kaya espesyal sa kanyang panganay ang nasabing lugar.

Ayon kay Kris nakakaramdam siya ng katahimikan at nakakatulong sa kanyang kalusugan ang malayo sa Metro Manila. Kaya naiisip niyang manirahan sa probinsya.

“I never imagined that I would reach a point in my life when my heart would feel peaceful and my health would benefit so much away from the city. But my work is in NCR, so the idea is living somewhere reachable less that 90 minutes from the NLEX Balintawak entrance.

“The last like person who would be advocating #balikprobinsya (in my case mas accurate ang #lipatsaprobinsya) because she’s always loved the vibrant energy of big cities, is seriously contemplating it now.

“I’ll do anything & everything for the happiness and wellbeing of my sons, and that starts with prioritizing my wellness. #parasakinabukan,” sabi ni Kris. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.