Una sa Balita

Kris gustong magkadyowa ng doktor

0 924

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyMatapos maging emosyonal sa presscon niya last week, nagawang pagaanin ng Abantelliling ang gabi ni Kris Aquino. Sa panayam namin ni Dondon Sermino kay Kris para sa Abante News Online Facebook page sa kanilang bahay, ramdam namin ang mabigat na pinagdaraanan ni Kris.

Pero ‘yun na nga, nagawa pa rin niyang ngumiti sa aming tsikahan. At nakakaaliw naman kasi ang naging topic namin.

Una na nga ay ang pagbabago ng taste ni Kris sa pagtanggap ng mga manliligaw.

Ayaw na niya ng politiko.

Matatandaang na-link si Kris kay Q.C. Mayo­r Herbert Bautista, pero hindi ito nauwi sa mas seryosohang relasyon.

Ayaw na rin niya ng abogado. Na kahit na inili-link nga siya kay Atty. Gideon, iginiit niyang hindi sila magi­ging magkarelasyon, at mana­natiling magkaibigan lang sila.

Ang bet ngayon ni Kris ay mga doktor na ang pagkadalubhasa ay may kaugnayan sa kanyang mga allergy.

Sa tanong kung anong age bracket ba ang lala­keng gusto niyan­g makarelasyon.
Sagot ni Kris, “Plus and minus. Pluse 5, minus 5.”

Meaning, kung ano ang edad niya ngayon, dapat ay mas matanda lang sa kanya ng limang taon, o ‘di kaya ay mas bata lang sa kanya ng limang taon.

Pero gaya ang lagi niyang sinasabi, kaila­ngang aprubado ng kanyang mga anak na sina Joshu­a at Bimby ang susunod na magiging karelasyon niya.

Pero dahil mas prio­rity ni Kris ang gamutin ang kanyang mga sakit, hindi pa rin niya masabi kung magkakaroon siya ng panahon para sa mga manliligaw.

***
Katrina ayaw paawat sa pagbuyangyang ng kaseksihan

Tuloy-tuloy ang pagpapasabog ni Katrina Halili ng kanyang kaseksihan ngayong 2019. Naloloka ang mga fan sa mga sunod-sunod na mga photo posting ni Katrina na kuha sa isang resort.

Biglang nahiya ang ibang mga female celebrity na walang wawa na magbalandra ng kanilang mga bikini photo noon, dahil sa mga photo pos­ting ni Katrina.

Parang winalis kasi ni Katrina at ng kanyang kaseksihan ang mga bikini beauty sa social media. Mas lalong naging pamatay ang kaseksihan ng aktres na ipinagdamot niyang ipasilip nong nakaraang taon.

Nakasaad naman sa isang Instagram post niya habang nag-e-emote siya sa isang round couch sa gilid ng swimming pool, na na-achieve niya uli ang sexy body na nina­nais niya.

Kahit saang anggulo, kahit anong posis­yon, ang angas ng pigura ni Katrina.

Walang puwedeng kumuwestyon sa pagbalandra ni Katrina ng kanyang sexy body dahil maliwa­nag pa sa sikat ng araw na taglay pa niya ang korona niya sa kasalukuyan.

Dahil sa mga photo na ito ni Katrina, mara­ming barako sa social media o Instagram ang pinasaya niya.

Liza, Enrique hindi pa hiwalay

Asahang magtutuloy-tuloy pa ang romantic relationship nina Liza Sobe­rano at Enrique Gil. Mismong si Liza ang nagkumpirma sa inaasahan nitong pagpa­patuloy ng relasyon nila ni Enrique.

Marami kasi ang nag-akala na baka may problema ang dalawa dahil biglang binura ni Liza ang mga photo nila sa Ins­tagram.

Pero sa Instagram post niya ng larawan nila ng aktor habang nakasakay siya sa likod nito, sinabi niyang tuloy lang ang kasiyahan nila ngayong 2019.
“To more memories together,” sabi ni Liza.

Ang da­ming memories ng dala­wa nu’ng 2018, na karamihan ay mga trip abroad, surprise birthday party, at kung ano-ano pa. Panay rin ang palipad ng kanilang mga love messages sa social media.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy