Una sa Balita

Kris gusto nang pakasal sa dyowang chef Honeymooners sa Iceland

By
0 2,194

Hindi na natiis ni Kris Bernal o ‘na-guilty’ yata na habang nasa Iceland siya, puro picture niya lang ang naka-post sa Instagram account. Na kung ‘di alam ng IG followers niya, puwedeng isipin na, solo flight lang siya.

Sa sobrang tuwa na nakita niya ang inaasam-asam at pangarap lang dati na northern lights o aurora borealis, nag-post na nga ito ng picture na magkasama sila ng kanyang Chef Boyfriend.

In fairness naman sa Kapuso actress, hindi naman din niya itinanggi na kasama niya sa one week trip niya sa Iceland ang non-showbiz boyfriend. Though, hindi niya ito ipino-post sa IG niya. Maybe because, hindi naman nga artista.

Pero sa isang post niya, pinasalamat at binigyan niya ito ng credit, dahilan para ma-capture niya raw ng maganda ang aurora borealis.

Sey ni Kris, “I wouldn’t meet Ms. Aurora without this amazing man right here. He is no photographer, but he’s a five-star chef at his own kitchen. And I’m not patient on setting up a camera manually. He did a lot of research and study to provide me brilliant photos to post. With his knees in deep snow freezing his fingers. I must give him his credits!”

Nang huli nga naming makausap si Kris, though wala pang isang taon ang relasyon nila ng boyfriend, wish daw niya na sana ay ang pre­sent boyfriend na nga niya ang makatuluyan. Sabi pa niya, hindi na siya bumabata at gusto niya na in a few years time, mag-settle down na rin.

Well, mukha nga silang honeymooners sa Iceland, ha!