Una sa Balita

Kris, Falcis nagharap sa korte

0 452

Nabulabog ang Justice Hall ng Quezon City RTC Branch 93 sa pagdating ni Kris Aquino kahapon. Dumalo nga si Kris sa hearing ng Cyberlibel na isinampa niya laban kay Atty. Jesus Falcis, kapatid ni Nick Falcis (dating business partner ni Kris).

Sabi ng taong malapit kay Kris, first time raw na nakita in person ni Kris si Atty. Falcis.

Anyway, makikita naman sa Instagram ni Kris ang video na pinagkakaguluhan siya ng mga tao sa QC Hall of Justice. Marami ang nagpa-picture sa kanya.

Kitang-kita rin na masaya si Kris sa pagdumog ng mga tao sa kanya.

“Pati mga tunay na lalaki, dumudumog kay Krisy sa korte. Naghintay sa kanya pati ang nasa ibang branch para magpa-picture,” sabi pa ng isang saksi.

Heto naman ang Instagram post ni Kris:

“i made a promise makikita niyo lang po ang mga ngiti ko, hindi yung effort para makangiti akong muli. I prayed non stop and i continue to pray that God may still open a road of compromise – one paved in justice, fairness and a shared of mutual desire to correct wrongs and heal pains, without further hurt… Opo malaki ang nagbago sa akin, napalitan na ang galit at sama ng loob ng mas malalim na pagkakilala sa totoong pagkatao ko at tamang pagpapahalaga sa kung ano at sino ang talagang importante sa buhay ko.” (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy