Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kris ‘di nakapalag: Joshua titira sa Tarlac kasama si Noynoy

0 1,677

Mukhang magiging legit na probinsyana nga ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Bukod sa aminado itong nagustuhan na niyang talaga ang buhay probinsiya nang ma-lockdown silang mag-ina sa Mindoro, ang panganay na anak na si Joshua ang pinakamalaking dahilan.

Gustong-gusto raw ni Josh ng province life.

Kuwento ni Kris nang sagutin nito ang mga ibinatong tanong sa kanya ng entertainment press through a video, “Kasi ‘yung ano, ‘di ba may programang nilunsad, ‘yung Balik-Probinsiya? Si Kuya (Josh), gusto nang tumira sa probinsiya. Dumiretso siya sa tiyuhin niya. ‘I want to live in Tarlac,’ tinext niya. So, ang safe answer nu’ng tiyuhin, ‘You have to ask your mom’s permission.’

“Eh, siyempre, alangan namang ako ‘yung maging kontrabida? So, I said, ‘Sure, Kuya!’ Aba, ang sinagot, ‘You can have lola’s old room and we can share the house… So, as we speak now, tomorrow, titira na siya sa Tarlac, si Kuya!

“Pero ang sinabi ko, one week-one week si Kuya. Kasi, between the two, it’s really Kuya who loves living in the province, specifically, he loves Tarlac, because, happy memories siya doon with his lola.

“And we all know, ‘di ba, na minsan, love-hate ang relationship namin talaga ng only brother ko (Noynoy). Pero, favorite talaga niya si… May soft spot siya for Kuya (Josh)… So, hindi tinanggihan.

“Napagastos tuloy ako, dahil bagong aircon, may TV, heater, naglagay ng mga blinds, mga bagong sofa beds, mga gano’n… Tapos, gumawa siya ng sarili niyang team, may Team Josh! Sabi ko, ‘Okey!’ So, ako naman, ‘Sige, Kuya, go!’

“Honestly ha, and I’m not… I’m serious in this: I’m healthy when I’m in the province. So, part of my life goal is to work four days here in NCR or Metro Manila, and to live three days in the province.

“So, pinag-iipunan ko ‘yan kasi, sabi ko, gusto kong magkaroon ng mga fish ponds. Naloka na ‘yung mga nasa paligid (ko ngayon), dahil sabi nila, ‘Magpapaayos! Kailangan nating mag-NLEX at SCTEX para ayusan siya?!’ Hahaha! Hindi! SCTEX-Exit na. Hahaha!

“At ‘pag magbi-briefing ang mga taga-Cornerstone, ang layo na! Mahal na ‘yung toll na babayaran dahil, I now live in the North!”

Kahit na hindi ito umere sa orihinal na airing date at nabalita rin na hindi na matutuloy dahil daw against ang ilang TV5 executives, heto’t totoong balik telebisyon na nga si Kris sa pamamagitan ng bago niyang talk show, ang Love Life With Kris na magsisimula ng mapanood sa TV5 simula sa August 15.

Tetay na-miss ang pandesal, hangin sa probinsya

Agree kami sa sinabi niya na ang kasimplehan ay depende sa tao o sa totoong nakagisnan nito sa buhay. Pwede kasing isipin na naging simple lang siya ngayon na naranasan niya ang pandemic.

“You know, simplicity is very relative. So, I may say I feel I’m so simple, tapos, the rest of you, pagtatawanan ni’yo ko?

“Pero the one thing I truly miss – ‘yung pandesal sa probinsiya! Sarap talaga! Kasi, freshly baked every day. Tapos, iba siya! Ang sarappp! Tapos, ‘yung simoy ng hangin.

“Tapos, gustong-gusto ko talaga na ano, ‘yung… Gusto ko talaga tumira near a lake… And yun nga, sabi ko, para naman productive citizen ako, meron akong fish pond or something…or my dream actually, it’s always been a dream, and it can come true – is to own a beach resort!

“Oo, ‘yun! Krissy’s Resort! Hahaha! Naloka sila. Bakit?‘Di ba, kayo rin naman, gugustuhin ni’yo na ako ‘yung nagwe-welcome sa inyo? At once a week, may cooking session doon na ako ang nagtuturo.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.